Pangungulila

Published by the Malate Literary Journal when I was a college sophomore, this is my interpretation of Rolando Carbonell in the local dialect.

Pangungulila

Minabuti ko ang mapag-isa dahil alam kong ang kawalang-kibo ay ugat ng pagkabahala ng aking puso.  Dahil alam kong sa pananatiling bulag ay patuloy akong gagambalain at pasasakitan ng nakaraan.  Alam kong hindi ko kayang limutin ang tulad mo.  Lagi kitang naaalala.  Mananatiling buhay sa aking isipan ang iyong mga pangarap.  Patuloy kang huhubog sa aking laman.  Dadaloy ka sa aking mga ugat.  Dahil bahagi ka ng aking buhay.

Paano nga ba ang lumimot?  Kung sa mata’t isipan ay laging larawan ng hirap at pagsusumamo.  Kung ang sigaw sa pandinig ay pulos luha’t panaghoy.  Kung sa parang, sa laot, sa kabundukan at lansangan ay ikaw ang nakikita.  Oo, naghangad akong kahit sandali’y limutin ka; ang hirap at pagsusumamo, ang luha’t panaghoy.  Sinubok kong limutin ka sa tula at awit, sa katahimikan at pag-iisa.  Ngunit inakala mong pagwawalang-bahala ang aking kawalang-imik.  Minarapat kong mapag-isa at iwan kang panandalian sapagkat doon sa aking paroroonan lamang ako makapagpupungla.  Doon lamang ako makakapanalas ng karit na sa tigang na lupa itatarak upang sa bawat bayo ay buhay ang uusbong. . . yayabong.  Sayang at hindi na ako makapangunguha ng mababangong mga bulaklak na sa iyo’y iaalay tulad ng dati dahil ngayon ay higit kong hangad ang magbungkal ng lupang pagtatamnan ng binhi.  Ito ngayon ang himig ng aking buhay at umaasa akong ika’y makikiisa.  Hindi ko ito kayang awitin kung wala ka.

Tandaan mong hindi ang kaguluhan ng mundo ang siyang naghihiwalay sa atin, kundi kamalayan.  Marahil ay hindi mo pa nauunawaan ang lahat.  Alalahanin mong ako’y magbabalik dahil nasa’kin pa rin ang pangungulila at hindi ito mawawala hanggang ang kanta ay maawit, hanggang ang tula ay marinig, hanggang ang paglisa’y maunawaan, hanggang tayo’y magkasamang muli.  Dahil ikaw ang aking sigla.  Ikaw ang dahilan nitong paglisan.  Ikaw ang buhay.

Ikaw. . .

(in loving memory of my father, Teonilo James Tolentino (TJT), who taught me my first poem)

Advertisements

8 thoughts on “Pangungulila

  1. hi doug! i’m impressed how you’ve homed in on my tagalog. you must have mingled among filipinos. one day i will post the original english version of this beautiful poem.
    ciao,
    neil

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s